Kongresistang na-hold sa NAIA dahil sa “bomb joke,” pinabulaanan ang kanyang pagbibiro

Itinatanggi ni APEC Partylist Rep. Sergio Dagooc na nag “bomb joke” ito sa NAIA Terminal 2 kahapon.

Paliwanag ni Dagooc, habang nasa check-in counter ay lumagpas sa 7 kg na limit ang kanyang bagahe.

Umabot ang kanyang bagahe ng 11kg dahil sa dala nitong “bands” ng pera na aabot sa P50,000.


Nakiusap ito sa staff sa check-in na payagan na lamang ang kanyang excess baggage dahil sa laman nitong “bands” ng pera.

Wala rin umano siyang sinabi na may lamang “bomb” ang kanyang bagahe kaya ito mabigat.

Agad din namang napalaya ang mambabatas matapos na makausap ng kanyang abogado ang mga opisyal ng paliparan.

Wala namang balak si Dagooc na magsampa ng moral damages case sa kaniyang inabot sa airport habang wala pang sagot ang pamunuan ng Philippine Airlines sa nasabing insidente.

Facebook Comments