Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mabibigyan ng angkop at sapat na pondo ang mga high priority projects ng administrasyon sa susunod na taon.
Sa naganap na pulong sa Malacañang, nagkasundo sina Senate President Chiz Escudero, House Speaker Martin Romualdez, at ang economic team ng Pangulo na magtulungan sa pagsusulong ng malalaking proyekto para sa pagpapaunlad ng bansa.
Layon din nitong maisakatuparan ang mga mithiin sa ilalim ng Philippine Development Plan.
Partikular ang pagpapalakas ng food security, pagpapasigla sa ekonomiya, at pagpapalawak ng access sa imprastraktura at kalidad ng trabaho.
Matatandaang noong Martes ay naaprubahan ng Senado ang kanilang bersyon ng panukalang ₱6.352 trillion na 2025 national budget, na target na maisabatas bago matapos ang taon.