Kongreso, buo ang suporta sa pagpapahusay ng training ng mga Filipino seafarer

Tiniyak ni Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa delegasyon ng European Union (EU) sa bansa ang buong suporta ng Kongreso para mapahusay ang training standards ng mga Filipino Seafarers.

Pahayag ito Salceda, sa harap ng pangambang mawalan ng trabaho ang halos 50,000 mga Pinoy seafarer kapag hindi nakapasa ang bansa sa audit na gagawin ng European Maritime Safety Agency ngayong Nobyembre.

Ang gagawing audit ay kaugnay sa pagsunod ng Pilipinas sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers.


Sa liham kay EU Ambassador to Manila Luc Veron, sinabi ni Salceda na handa itong makipagtulungan sa EU delegation para maisulong ang interes ng Filipino Seafarers at European Shipping and logistics.

Diin ni Salceda, siya ay kaisa sa pagsisikap na mapahusay ang training o pagsasanay na ibinibigay ng maritime schools sa bansa lalo na sa lalawigan ng Albay na kaniyang kinakatawan.

Paliwanag ni Salceda, mahalagang mapanatili ang seafaring jobs na ipinagkakaloob ng EU para maprotektahan ang ating foreign currency reserves at matugunan ang kakulangan ng trabaho sa bansa.

Facebook Comments