Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang maamiyendahan ang procurement law ng ating bansa.
Dismayado kasi ang pangulo dahil isang taon na ang nakalipas nang iutos niya ang pagbili ng mga kailangang kagamitan sa AFP Medical Center pero hindi parin nabibili ang mga ito partikular ang hyperbaric chamber, at MRI na kailangan ng mga sundalo.
Una naring binalaan ni Pangulong Duterte si Health Secretary Paulyn Ubial na papalitan sa puwesto kapag hindi napalitan ang proseso ng pagbili ng mga gamit ng Department of Health.
Ayon sa Pangulo, dahil sa nasabing batas ay nagiging mabagal ang pagbili ng gobyerno ng mga kinakailangang kagamitan.
Paliwanag pa ng Pangulo, ang lowest bidd rule ay isa din sa mga ugat ng katiwalian sa pamahalaan.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang talagang makapagbibigay ng solusyon sa usapin ay ang kongreso dahil kailangang amyendahan ang umiiral na batas para dito.