Kongreso, hahanap ng dagdag na pondo para sa COVID-19 response ng DOH

Hahanap ng paraan ang Kamara para madagdagan ang proposed budget ng Department of Health (DOH) sa 2022.

Ayon kay Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, ipinagtataka niya kung bakit sa halip na taasan ay tinapyasan pa ang COVID-19 response funds ng DOH.

Nabatid na sa P74 billion ang hiniling na pondo ng ahensya pero P19.6 billion lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).


Kaugnay nito, plano ni Quimbo na silipin ang mga programa sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na hindi naman kailangan nang sa gayon ay mailipat ang pondo nito para sa pagtugon sa pandemya.

Facebook Comments