Kongreso, handa nang talakayin ang Road Board

Manila, Philippines – Handa na ang Kamara na makipagtulungan sa Senado para sa panukalang buwagin ang Road Board.

Ayon kay House Majority Leader Ronald Andaya Jr. – suportado na ng Kamara ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang Road Board.

Pero giit ni Andaya na hindi sila kuntento sa simpleng paglipat ng kapangyarihan ng ahensya sa ilang kalihim.


Bago ito, sinabi ni Andaya na walang balak ang Pangulo na buwagin ang ahensya base sa pag-uusap nila.

Target ng Kamara na magtatalaga ng mga magiging miyembro ng Bicameral conference committee sa January 14, 2019 o sa unang araw na pagbabalik sesyon ng Kongreso para isagawa ang pagbuwag.

Facebook Comments