Titiyakin ng Kongreso na mananaig ang kagustuhan ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang pasya sa kanilang mga balota nitong katatapos na eleksyon.
Inihayag ito ni Sotto sa pagbubukas ng joint session ng mataas at mababang kapulungan kung saan gagawin ang canvassing ng boto at pagproklama sa nanalong pangulo at ikalawang pangulo.
Diin ni Sotto, bahagi ng tunkulin ng Kongreso ang pagganap bilang National Board of Canvassers (NBOC) na kanilang gagawing bukas sa publiko, may kredibilidad, patas at walang palulusuting mali.
Sa isang panayam ay sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na walang dahilan para patagalin pa ang canvassing para sa presidential at vice presidential elections kahit pa may mga nakabinbing petisyon sa Supreme Court para ito ay pigilan.
Paliwanag pa ni Zubiri, bukod sa pagganap bilang NBOC ay wala silang dapat sayanging oras upang maihabol pa nilang maipasa ang ilang mahahalagang panulalang batas.
Facebook Comments