Kongreso, hindi pwedeng utusan ang NTC na magbigay ng provisional authority sa ABS-CBN sa pamamagitan lang ng isang resolusyon ayon kay Atty. Gadon

Hindi maaaring utusan ng Kongreso ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pamamagitan ng resolusyon na bigyan ng provisional authority ang isang broadcast company habang pinag-aaralan ang franchise renewal application nito.

Giit ni Atty. Larry Gadon, isang batas ang prangkisa na kinakailangan ng pagdinig at pag-apruba ng Kongreso.

Aniya, masisira ang demokrasya kung lahat ng nais baguhin sa batas ay maaari na lang idaan sa paghahain ng resolusyon.


Samantala, ayon kay retired Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, sa halip na cease and desist order, dapat ay pinagpaliwanag na lang ang ABS-CBN kung bakit dapat itong payagan na patuloy na makapag-operate kahit napaso na ang kanilang prangkisa.

Aniya, masyadong immediate at executory ang cease and desist order kaya hindi man lang nabigyan ng pagkakataong magsalita ang broadcast company.

Naniniwala naman si dating DICT Secretary Rodolfo Salalima na nilabag ng NTC ang constitutional right ng ABS-CBN para sa Due Process.

Facebook Comments