Kongreso – magsasagawa ng ocular inspection sa Pandi, Bulacan

Manila, Philippines – Magsasagawa ng ocular inspection ang Kongreso sa Pandi, Bulacan kaugnay sa mga housing units na inokupahan ng grupong KADAMAY.

Ang nasabing ocular inspection ay bunsod na rin ng joint investigation ng House Committee on Housing and Urban Development na pinamumunuan ni Rep. Albee Benitez at Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement ni Senator JV Ejercito sa isyu ng socialized housing program ng National Housing Authority para sa mga uniformed personnel.

Sisilipin ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang sitwasyon ng mga pabahay at ibang mga problemang nakakabit sa housing programs ng gobyerno tulad ng kawalan ng tubig, kuryente at dahilan kung bakit kahit matagal ng nai-turn over sa mga beneficiaries ay hindi ito tinitirahan.


Kasama ng Kamara at Senado sa pagpunta sa area ang NHA, AFP at PNP housing boards, local government officials at KADAMAY leaders.

Matatandaan na sinabi din ni Benitez na hindi kakayanin ng gobyerno ang pagbibigay ng libreng-pabahay pero maaaring gumawa ng programa kung saan abot-kaya ng mga mahihirap ang ibabayad sa pabahay na kukunin.
DZXL558

Facebook Comments