Manila, Philippines – Inaasahan na ang paghahain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema ng mga kongresistang tutol sa pagpapatupad ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat – posibleng bukas (July 11) o sa Miyerkules nila ito ihain sa Supreme Court.
Sesentro aniya ang kanilang mosyon sa pagkabigo ng S-C na sagutin sa desisyon nito kung tama o sapat ba ang mga dahilang tinukoy sa pagdedeklara ng batas militar sa buong rehiyon.
Sabi pa ni Baguilat, mas magiging katanggap-tanggap pa sa kanila na limitahan na lang pagpapatupad ng martial law sa Lanao Del Sur sa halip na sa buong Mindanao.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments