Nanawagan ang Philippine Nurses Association (PNA) sa Department of Health (DOH) sa pagkakaroon ng kongkretong patakaran sa distribusyon ng Special Risk Allowance (SRA).
Ayon kay PNA National President Melbert Reyes, bagama’t pinuri niya ang direktiba ni Pangulong Duterte na ipamahagi ang SRA sa loob ng sampung araw, iginiit nito na hindi “consistent” ang patakaran.
Pag-amin pa ni Reyes, iba-iba ang interpretasyon ng mga ospital sa batas ukol sa SRA.
Umaasa naman ang taga pangulo na magiging maayos ang tugon ng DOH at Department of Budget and Management (DBM) sa kanilang apela.
Sa ngayon, hinimok ni Health Secretary Francisco Duque III ang Senado na bumuo ng batas na magpapalawak sa sakop ng mga mabibigyan ng SRA.
Maliban sa mga health personnel na humaharap sa pasyenteng may COVID-19, ipinapasama din maging ang mga hindi direktang humaharap sa mga nagpositibo.
Ipinahahanda na rin ni Sec. Duque sa technical advisory group ang iba pang dahilang pwedeng tingnan ng Kongreso at Senado kung bakit kailangan silang maisama.