Konsehal at 3 Iba pa na Suspek sa Pagpatay sa 4 Dayuhan, Nadakip!

1025

Cauayan City, Isabela- Hawak na ngayon ng mga alagad ng batas ang isang Konsehal at tatlo pa na itituturong suspek sa pagpatay sa apat (4) na mga dayuhang ahente ng sasakyan na natagpuan sa loob ng kanilang sasakyan partikular sa sementeryo sa barangay Villarey, Piat, Cagayan.

Kinilala ang suspek na Sangguniang Bayan Member ng Pacac Grande, Amulung, Cagayan na si Joey Bargado kasama ang isang Jojo Vergara, isang construction worker at dalawang hindi pa napapangalanan.


Dahil sa patuloy na follow-up investigation ng mga otoridad ay naaresto ang mga suspek sa warehouse na matatagpuan sa mismong Barangay ng Konsehal kung saan nag-inuman ang apat na mga biktima na kinilalang sina Michael Eugene Romero Jr alyas Rolly Bayonto Bermas, residente ng Quezon City, Joel Bolado; Christian Kaibigan alyas Joshua Nathan Fortun Blanco kapwa residente ng Lipa City, Batangas at isang Rommuel Quinan ng Makati City.

Naaresto ang apat na mga suspek base na rin sa mga larawang narekober sa isang biktima na huling kuha nito bago pa nangyari ang krimen at base na rin sa naging pahayag ng dalawang witness.

Base pa sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na ang mga suspek ay sangkot sa illegal na pagbebenta ng mga sasakyan o modus na tinatawag na ‘rent-sangla sold scheme at dalawa pa sa mga suspek ay gumagamit ng pekeng pangalan na kanilang ginagamit sa transaksyon.

Magugunitang dumating ang mga biktima noong May 19, 2020 ng gabi sa Tuguegarao City mula sa Batangas upang ipagkasundo ang isang Toyota Fortuner na may plakang DAJ 7470 subalit kinaumagahan ay natagpuan na lamang na wala nang buhay ang mga ito sa loob ng kanilang tinted na sasakyan na iniwan sa National Highway malapit sa sementeryo ng barangay Villarey.

May kinalaman sa Carnapping at double cross ang tinitignan ng pulisya na motibo sa naturang krimen.




Facebook Comments