Konsehal ng brgy. tiklo sa buy bust sa Pilar, Bataan

*Bataan*, Philippines – Balik kulungan ang isang numero unong konsehal ng barangay makaraang muli na naman itong maaresto sa kasong may kinalaman sa illegal na droga sa brgy. Wakas, south pilar, bataan.

Sa report ng pulisya, kinilala ang naaresto na si konsehal jeffrey rodriguez, 35 anyos.

Nakuha sa suspek ang tatlong sachet ng shabu at nabawi din sa kaniya ang ginamit na buy bust money na p500.


Nabatid na tatlong buwan na palang nakakalaya ito mula sa isang taong pagkakakulong matapos itong makapagpiyansa.

Todo tanggi naman ang suspek na kaniya ang droga.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments