Konsehal ng Munisipyo ng Jolo Sulu, dinukot

Manila, Philippines – Tinangay ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang konsehal ng munisipyo ng Jolo Sulu sa Indanan Sulu kagabi.

Sa ulat ni AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana alas 6:00 ng gabi kagabi habang sakay ng bisekleta ang biktimang si Ezzeden Soud Tan sa pagitan ng Barangay Timbangan at Tagbak Indanan Sulu nang tangayin ng nasa anim na mga bandido.

Isinakay ng mga armadong kalalakihan ang biktima sa kulay pulang Tamaraw FX.


Si Tan ay miyembro ng Tausog Bikers club.

Nang tangayin si Tan kasama nito ang kanyang 12 kasamahan sa grupo na pabalik na sana sa Jolo mula sa Maimbung Sulu.

Sa ngayon nagpapatuloy na ang maigting na checkpoint operation ng military at pulisya sa lugar para maharang ang mga kidnapers.

Bumuo na rin ng Crisis Management Team para mapabilis ang pagrescue sa biktima.

Facebook Comments