Konsehal ng Pasay City – patay sa pamamaril sa isang mall sa Las Piñas!

Las Piñas City – Dead-on-arrival sa asian hospital ang konsehal ng Pasay City matapos pagbabarilin sa driveway ng SM Southmall sa Las Piñas City kagabi.

Tama ng bala sa ulo at katawan ang ikinamatay ni konsehal Borbie Rivera.

Ayon kay Las Piñas City Police C/ Supt. Marion Balonglong – sakay ng kanyang wheelchair ang biktima nang lapitan siya ng hindi kilalang suspek saka binaril.


Nakaganti naman ang mga kasamang bodyguard ng konsehal pero nakatakas pa rin ang gunman.

Blanko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaril.

Nabatid na una nang pinagbabaril sa Pasay City nito lamang June 23 ang biktima.

Facebook Comments