Pumanaw na ang Konsehal ng Tayasan, Negros Oriental na tinamaan ng COVID-19.
Pasado alas 11:00 kaninang umaga nang binawian ng buhay ang 65-taong gulang na pasyente na siya ring unang Coronavirus Disease patient sa buong Negros Oriental.
Isa sa ikinasawi ng pasyente ay multiple organ complication.
Ike-cremate ngayong araw ang labi ng Konsehal.
Samantala, nagnegatibo na sa covid-19 ang tatlo sa 15 patients under investigation sa Negros Oriental.
Facebook Comments