Konsehal sa Leyte, huli sa ilegal na pangingisda

Arestado ang isang konsehal dahil sa ilegal na pangingisda sa bayan ng Albuera, Leyte.

Nagpapatrolya noong ang mga tauhan ng Fisheries Protection Law Enforcement Group ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at mga pulis nang maaktuhan ang isang commercial fishing vessel na pagmamay-ari ni konsehal Miguel Retuya na siya ring kapitan ng bangka.

Kasama rin sa naaresto ang master fisherman na si Leonardo Batican at engineman na si Gino Escoton.


Ayon kay BFAR Regional Director Juan Albaladejo, bigo si Retuya na magpakita ng mga dokumento para mangisda sa municipal waters.

Nahaharap si Retuya sa kasong kriminal at administratibo.

Facebook Comments