Konsehala, nahaharap sa reklamo matapos tinakbuhan ang checkpoint

Humaharap ngayon sa reklamo ang konsehala ng lungsod ng batac sa Ilocos Norte dahil tinakbohan nya diumano ang PNP-Comelec checkpoint sa nasabing lugar. Nakilala ang Konsehala na si Mary Coleen Columbia Cajigal na nagsisilbi sa Sangguniang panlungsod sa siudad ng Batac.

 

Sa report ng PNP, habang isinasagawa nila ang Comelec checkpoint operation sa barangay Caunayan ng nasabing lungsod, hindi huminto si Cajigal at pinaharurot nito ang kanyang sasakyan. Hinabol naman ito ng PNP ngunit hindi na naabotan. Lumipas ang ilang oras, bumalik ang opisyal at dito na napagsabihan sya ng otoridad sa kanyang ginawa at ang hindi pagrespeto sa kanila bilang alagad ng batas.

 

Ang nasabing checkpoint ay pinangunahan ni Police Major Allan Emerson D. Dauz, Officer-In-Charge ng PNP Batac at si Comelec Officer Josephine V. Balbas ng nasabing lungsod na nakasaad sa ‘election code’ tuwing ‘campaign period’ sa lokal at national. Haharap sa reklamo si Cajigal sa paglabag ng art. 151 ng revised penal o kaya’y ‘resistance and disobedience to a person in authority’.


 

Posibleng magmulta ito ng hindi lalagpas a limang daang piso at pwede din itong makulang depende sa hatol ng Korte . Si Cajigal ay tatakbo nanamang Konsehal sa kanyang pangalawang termino sa syudad ng Batac.

Facebook Comments