Konsepto ng “Bagong Pilipinas” na itinataguyod ng administrasyon Marcos, dapat maipaalam mabuti sa publiko

Dapat na maipalam ng mabuti sa publiko ang konsepto ng “Bagong Pilipinas” na itinataguyod ng administrasyong Marcos.

Ito ang iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ginanap na Special Cabinet Meeting bago ang pormal na paglulunsad ng ‘Bagong Pilipinas’ sa Quirino Grandstand sa Maynila, sa darating na Linggo.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga na mabigyang-diin ang importansya ng komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at publiko upang ganap na maunawaan ang konsepto ng Bagong Pilipinas.


Inilatag din ng Presidential Communications Office (PCO) ang ilang mga rekomendasyon sa mga miyembro ng Gabinete kung paano maitataguyod ang ‘Bagong Pilipinas’ sa kani-kanilang mga departamento.

Magkakaroon din ng buwan-buwang monitoring sa progreso ng bawat ahensya at kikilalanin ang outstanding performance upang magtuloy-tuloy ang programa.

Facebook Comments