Konsepto ng Internal Cleansing Program ng PNP, binago

Ibabatay na ngayon ng Philippine National Police o PNP ang kanilang pagdidisiplina sa kanilang hanay sa paraan ng pagdidisiplina sa Philippine Military Academy (PMA) na bahagi ng Internal Cleansing Program ng PNP.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, sa bagong konsepto ng Internal Cleansing Program sasailalim sa squad process ang mga pulis na nasasangkot sa katiwalian.

Sinabi ni Albayalde katuwang nila sa bagong konsepto ang mga Non-Government Organization (NGO) lalo na sa religious sector upang mas maging personal at intimate ang bagong Internal Cleansing Program para sa didisiplinahing pulis.


Gagayahin aniya nila ang paraan sa PMA kung saan ang squad leader ang humihikayat sa kanyang mga miyembro lalo at kung bumababa ang morale ng kanyang kasamahan.

Sa bagong konsepto, bawat squad ay mayroong anim hanggang walong miyembro.

Sinabi ni Albayalde hindi naman kailangang opisyal ang magiging squad leader.

Batay sa datos ng PNP mula taong 2016 aabot na sa nasa 27,000 mga pulis na may mga paglabag ang prayoridad na isalang sa bagong konsepto.

Facebook Comments