Konstitusyon, kailangang amyendahan para iakma sa kasalukuyang panahon

Iginiit ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang pangangailangan na maamyendahan na agad ang ating kontitusyon lalo na ang mga economic provision nito.

Binigyang-diin pa ni Salceda na mas mainam na ngayon na isakatuparanang Charter Change habang malayo pa ang 2028 Presidential Elections upang mabura at mapawi ang pangamba ng publiko na gagawin ito para palawigin ang termino ng pangulo.

Ipinunto rin ni Salceda na ang United States (US) constitution na pinagbatayan ng ating Saligang Batas ay 27 beses ng inamyendahan habang ang ating 1987 Constitution ay 40 taon na ang itinagal kaya dapat ng rebisahin para mai-akma sa kasalukuyang panahon.


Paliwanag ni Salceda, dahil sa mga restrictive provisions ng Konstitusyon ay isinara ang oportunidad at pantay na kasaganaan para sa taumbayan dahil pinagbawalan ang ang mga dayuhan na pumasok sa agrikultura, media, large scale mineral at oil explorations, edukasyon at advertising.

Sabi ni Salceda, bunsod nito ay pinayaman at ginawa umanong makapangyarihan sa labor, consumers at government sector ang mga elitista sa ekonomiya matapos ang EDSA People Power Revolution.

Facebook Comments