Konstruksiyon ng Binondo-Intramuros Bridge, 81% nang kumpleto

81% nang kumpleto ang konstruksiyon ng Binondo-Intramuros Bridge na magbubukas sa publiko sa unang kwarter ng 2022.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) operations Emil Sadain, nagkakahalaga ang proyekto ng P3.39-billion na pinondohan ng China.

May lawak ang Binondo-Intramuros Bridge na 680 metro na nagkokonekta sa Intramuros at Solana Street, Riverside Drive, Binondo at San Fernando Bridge.


Nagpapatuloy naman ang pagsasaayos ng DPWH sa foundation ng up-ramp sa Magallanes-Riverside Drive at down-ramp sa Solana Street na nasa Intramuros side.

Tinatayang nasa 30,000 sasakyan ang mabebenipisyuhan ng proyekto na nasa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments