Konstruksiyon ng kauna-unahang Visayas Media Hub, tuloy na ngayong taon

Pinasalamatan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang kongreso dahil matutuloy na ngayong taon ang konstruksiyon ng kauna-unahang Visayas Media Hub.

Ito ay matapos na makasama ang proyekto sa 2022 national budget sa ilalim ng ‘Build, Build’, Build’ program ng pamahalaan.

Ayon kay Andanar, malaki rin ang pasasalamat niya kay Senator Christopher “Bong” Go na nag-initiate ng aksiyon na ito upang maisakatuparan ang pagpapatayo ng media hub na mayroong budget na P300-million.


Ibinahagi ni Andanar na mismong si Senator Go ang nagtulak na matuloy ang proyekto na malaking tulong para sa layunin ng pcoo na i-modernize ang government media operations sa bansa.

Samantala, tiniyak naman ng kalihim na magiging transparent sila pagdating sa konstruksiyon ng bagong media hub.

Facebook Comments