
Good news!
Aabot na sa 750 mula sa kasalukuyang 200 ang kapasidad kapag natapos ang expansion ng Siargao Airport.
Ang konstruksiyon ng expanded passenger terminal building ng Siargao Airport ay sisimulan na sa Biyernes.
Sinabi ni Department of Transportation o DOTr Secretary Vince Dizon na malaki ang tulong ng modernong Siargao Airport PTB para sa congestion.
Mas magiging komportable rin aniya ang mga turista sa mas malaking airport.
Ang Siargao Airport ay kasama sa mga ipinakulang i-modernize at magkaroon ng expansion gaya ng Davao at Bicol Airport na isinumite ng JG Summit at Filinvest Groups sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) deal.
Facebook Comments









