Konstruksiyon sa World-Class Sports Complex ng Cauayan City, Patapos na

98

Cauayan City, Isabela-Nakatakdang buksan sa publiko anumang araw ang bagong tayong ‘Cauayan City Sports Complex’ sakaling matapos na ang pagsasagawa sa ilang bahagi ng nasabing pasilidad.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, kinakailangan pa na magkaroon ng pinal na ‘coating’ sa track and field area ng pasilidad habang nasa 85-90 porsyento ang natatapos palang sa bubungan ng complex.


Dagdag ng alkalde, nakatakda rin na palibutan ng tanim na punong-kahoy ang paligid ng complex na siyang magsisilbing magandang tanawin subalit kinakailangan din na mapanatili ang kahalagahan ng ‘Inang Kalikasan’.

Plano rin ng Lokal na Pamahalaan na maglagay ng police outpost sa lugar para masiguro ang kaligtasan ng mga bibisita sa modernized sports complex ng siyudad.

Facebook Comments