Konstruksyon ng 200 power plants, target tapusin sa pagtatapos ng Marcos admin

Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang konstruksyon sa mga planta sa bansa.

Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), sinabi nitong target ng gobyerno na matapos ang pagbuo sa 200 power plants sa kabuuan ng Marcos administration.

Ayon kay Pangulong Marcos, kaya nitong pailawan ang nasa apat na milyong kabahayan, dalawang libong pabrika at pitong libong tanggapan.

Binibigyan ng pangulo ang Department of Energy at National Electrification Administration hanggang 2028 para matapos ito partikular sa ilang probinsya tulad ng Quezon Province, Camarines Sur, Palawan at Zamboanga Del Sur.

Samantala, ilulunsad din ng pamahalaan ang solar power home system na kayang magpailaw sa isang milyong kabahayan.

Facebook Comments