KONSTRUKSYON NG BAGONG BARANGAY HALL SA BRGY. DIANAO, NATAPOS NA

Cauayan City – Natapos na ang konstruksyon ng bagong barangay hall sa Brgy. Dianao, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Secretary Ardy Laureta, bagama’t natagalan bago matapos ay ikinatuwa nilang natapos na ang kanilang bagong Brgy. Hall nito lamang buwan ng Setyembre.

Aniya, kung ikukumpara sa luma ay di hamak na mas maluwang at mas maaliwalas ang bagong opisina nila ngayon.


Sinabi nito na sa ginawang pagbisita ng DPWH sa kanilang barangay ay nangako ang kagawaran na magbibigay ng tinatayang nasa 2.5 milyong pisong pondo upang maituloy ang konstruksyon ng ikalawang palapag ng Brgy. Hall.

Samantala, ngayong mayroong bago at mas maayos na opisina para sa mga Brgy. Officials at mga staffs, tiyak na mas magiging maayos pa ang paghahatid serbisyo ng mga ito sa mga residente sa kanilang barangay.

Facebook Comments