Natapos na kamakailan ng Department of Public Works and Highways (DPWH)- Pangasinan Fourth District Engineering Office ang konstruksyon ng panibagong kalsada na matatagpuan sa Brgy. Pantol, bayan ng Bayambang.
Sinabi ni Esperanza Tinaza, ang regional public information officer ng DPWH Ilocos, na ang bagong gawang konkretong kalsada na ito ay magsisilbing madaling daanan ng mga residente malapit sa business area kung saan makakatipid ng hindi bababa sa 30 hanggang 35 minutong oras ng pagbiyahe sa lugar ang mga ito.
Ang paggawa umano ng kalsada ay magbibigay-daan sa mas mabilis na pag-access ng mga residente sa kanilang pinakamalapit na business center sa Alcala Market na mayroong 13 kilometro mula sa lugar kung saan naroon ang proyekto.
Dahil dito magkakaroon na rin ng mas mabilis na paggalaw ng mga kalakal at pagdadala ng mga produktong agrikultural sa business center o pamilihan, na magreresulta sa pagtaas ng kita ng mga magsasaka.
Matatandaang na ang isang dating lote na ito ay isang sakahan at ngayon ay isa nang ganap na bagong kalsada na may kabuuang haba na 208.50 linear meters (0.417 lane kilometers) at limang metro ang lapad.
Samantala, tinatayang nasa kabuuang P9,771,046, ang halaga ng proyekto ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022 ng ahensya. |ifmnews
Facebook Comments