KONSTRUKSYON NG BAGONG TULAY SA BRGY. CALMAY SA DAGUPAN CITY, MAGSISIMULA NA NGAYONG BUWAN

Gaganapin sa darating na Disyembre 20 ngayong taon ang groundbreaking ceremony ng New Calmay Bridge na bahagi ng Lingayen-Dagupan Diversion Road.

Ibinahagi ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang larawan ng umanoy artists perspective na magiging disenyo ng bagong tulay.

Ayon din sa post ng alkalde, mas mapapabilis ang biyahe at makakabawas sa trapiko ang naturang proyekto na magdurugtong sa Barangay ng Carael at ilan pang kalapit na barangay sa City Proper ng lungsod.

Ang proyekto ay naisakatuparan sa tulong ng national government. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments