Positibo ang Department of Transportation (DOTr) na makakamit nila ang target sa pagbubukas ng Bicol International Airport pagsapit ng 2020.
Ayon sa DOTr sa ngayon nasa limampung porsyento nang tapos ang nasabing paliparan.
Makaraang mahinto ang konstruksyon sa Bicol Airport ng 11 taon muli itong nasimulan ngayong taon kung saan sa mga oras na ito tapos na ang pagsasagawa ng runway ng paliparan, taxiway apron at perimeter fence.
Sa datos ng DOTr nasa 30.39% nang kumpleto ang land-slide facilities ng Bicol airport kabilang ang 17 building para sa cargoes, air traffic control, material recovery facilities at water reservoir habang nasa 5.78% na ang construction status ng passenger terminal building.
Kapag natapos sa 2020, ang Bicol International Airport ay kayang mag-accommodate nang hanggang sa 2M pasahero at inaasahang makatutulong makapagpalaga ng turismo sa Bicol region.