Malapit nang mapakinabangan ng mga residente ng Ilocos Sur ang nagpapatuloy na konstruksyon ng cabaroan-silag-pacan bridge sa Sta. Maria Ilocos Sur.
Matapos ang mahigit dalawang taon, maaari nang madaanan ang tulay na pinondohan ng Department of Agriculture – PRDP.
Mabebenipisyuhan umano ng naturang tulay ang mga magsasaka mula sa mga barangay ng Cabaroan, Silag, Pacang, Langoaan, Ampuagan, at Lesseb.
Mababawasan nito ang oras ng biyahe, bawas sa gastos ng pag-transport ng mga produkto at iba pang gastusin.
Inaasahang mas maiaangat at mapagbubuti pa umano nito ang koneksyon, produksyon ng manga at iba pang agricultural commodities sa mga naturang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments