KONSTRUKSYON NG COMPOSITE STEEL GIRDER BRIDGE SA BRGY, STO.DOMINGO, SAN MANUEL, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang konstruksyon ng itinatayong bakal na composite steel girder bridge sa Sitio Tacnien, Sto.Domingo,San Manuel na matagal nang hiling ng mga residente.
Nagsimulang ilatag ang pundasyon at kaukulang bakal na bahagi ng Phase 1 ng tulay noong Marso at natapos sa loob ng ilang buwan.
Ikinatuwa ng mga residente ang naturang proyekto dahil mapapagaan ang paglalakbay tungo sa ibang bahagi ng bayan at maiiwasan na umano ang peligrosong pagtawid sa ilog partikular tuwing tag-ulan at bahagyang tumataas ang lebel ng tubig sa Agno River.
Layunin na magkaroon ng matibay na daan mula sa mga sakahan patungo sa mga pamilihan upang maiangat ang produksyon ng mga magsasaka at kabuhayan ng mga residente.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na mayroon nang kaukulang pondo para sa pagpapatuloy ng Phase 2 ng proyektong tulay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments