KONSTRUKSYON NG DUMULOC EARTHFILL DAM SA BUGALLON, TARGET NA MATAPOS SA 2025

Target ng National Irrigation Administration (NIA) Region I na matapos ang konstruksyon ng Dumuloc Earthfill Dam sa bayan ng Bugallon sa taong 2025.
Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng 1,651, 590, 000 na kayang patubigan ang 2,600 na ektarya.
Ayon kay NIA Region I Regional Manager, Engr. Gaudencio M. De Vera, unang isinaayos ng kagawaran ang old Dam sa ng Dumuloc at nagpapatuloy sa ngayon ang pagsasa ayos naman Laguit Dam maging ang paggawa ng Canal Lining bilang preparasyon sa pagtatayo ng kabuuang istruktura ng 40-metrong Dumuloc Earthfill Dam.

Layunin umano ng proyekto na makapagbigay ng kalidad na irrigation system sa mga magsasaka ng Bugallon upang mapataas ang kanilang produksyon.
Tinatayang nasa 1, 484 na magsasaka at kani-kanilang pamilya ang makikinabang sa proyekto na mula sa labing isang (11) barangay ng Bugallon-Brgy. Umanday, Brgy. Laguit Centro, Brgy. Poblacion, Brgy.San Francisco, Brgy.Hacienda, Brgy.Cayanga, Brgy.Portic, Brgy. Salomague Sur, Brgy. Salomague Norte, Brgy. Bacbac at Brgy. Bolaoen.
Matatandaan na nagsagawa ng inspeksyon noong ika-2 ng Pebrero ngayong taon si mismong NIA Administrator Engr. Eddie Guillen sa Dumuloc Earthfill Dam at nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang presidente ng iba’t-ibang Irrigators Association ng bayan.
Target ng opisyal na kapag natapos ang konstruksyon nito ay ma convert ang dam bilang agro-tourism.
Suportado naman ng lokal na pamahalaan ng Bugallon ang pagpapatayo nito dahil ayon kay Municipal Administrator Amado Aquino, bagamat hindi pa tapos ang malaking istruktura malaking tulong na ang mga nasimulang konstruksyon ng NIA dahil ang mga sakahan na hindi napapatubigan noon ay naabot na at kaya ng makapagtanim sa summer season.
Sa datos ng NIA, nasa 28. 49% na ang physical accomplishment ng proyekto.
Isinagawa ang ground breaking ng Dumuloc Earthfill Dam noong November 2021. |ifmnews
Facebook Comments