Ininspeksiyon ng lokal na pamahalaan ng Bautista ang kasalukuyang isinasagawang pagsesemento ng farm-to-market road sa Barangay Vacante bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura para sa sektor ng agrikultura sa bayan.
Ayon sa ulat, saklaw ng inspeksyon ang on-going concreting ng Farm-to-Market/Local Access Road at Demo Farm sa barangay upang masiguro ang maayos na takbo ng konstruksyon at pagsunod sa itinakdang plano at iskedyul ng proyekto.
Batay sa detalye, ang proyekto ay may kontratang nagkakahalaga ng ₱979,062 at target na matapos sa loob ng 30 araw.
Sinuri rin sa inspeksiyon ang progreso ng trabaho at kalidad ng pagsasagawa ng kalsada na inaasahang magsisilbing daanan ng mga produktong agrikultural mula sa mga sakahan patungo sa pamilihan.
Inaasahan na kapag natapos, makatutulong ang farm-to-market road sa pagpapadali ng transportasyon at sa mas maayos na akses ng mga magsasaka sa mga pangunahing ruta sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









