KONSTRUKSYON NG FARM TO MARKET ROAD SA BRGY. SAN PABLO, PUSPUSAN

CAUAYAN CITY- Puspusan ang konstruksyon ng farm to market road sa Brgy. San Pablo, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Sharon Paraggua, ang proyekto ay may habang 1.8 kilometro at sinimulan ito noong buwan ng Hulyo at aasahang matatapos ito sa buwan ng Setyembre.

Aniya, ang proyekto ay pinondohan ng Department of Agrarian Reform sa pamamagitan ng LGU Cauayan kung saan naglaan ng higit dalawampu’t apat na milyong piso.


Dagdag pa niya, malaking tulong sa mga magsasaka maging sa mga residente ang nasabing daan dahil mapapabilis nito ang transportasyon ng mga produkto.

Facebook Comments