Saturday, January 31, 2026

Konstruksyon ng Flyover sa Angeles City, Pampanga, target matapos sa June 2027

Binisita ni DPWH Secretary Vince Dizon ang konstruksyon ng Sto. Cristo Flyover na magsisilbing alternatibong ruta upang maibsan ang matinding trapiko sa MacArthur Highway sa Angeles City, Pampanga.

Bahagi rin ito ng pagsasaayos ng mga nakabinbing proyekto ng DPWH.

Napag-alaman na halos tatlong (3) taon nang ginagawa ang 1-kilometrong flyover mula 2023, na maaari sanang matapos sa loob lamang ng isa’t kalahating taon.

Isinisi ito ng kalihim sa aniya’y pira-pirasong paglalaan ng badyet.

Ipinag-utos ng kalihim ang agarang pagpondo sa proyekto, na target matapos sa Hunyo 2027.

Facebook Comments