Konstruksyon ng Immigration Annex sa NAIA, tatapusin ngayong Disyembre

Tiniyak ng Manila International Airport Authority o MIAA na makukumpleto sa darating ng Disyembre ang konstruksyon ng Immigration Annex.

Sa naturang annex, kakasya ang 24 Immigration officers dahil lalagyan ito ng apat na counters.

Prayoridad sa Immigration Annex ang Overseas Filipino Workers (OFWs), Person with Disability (PWDs), senior citizens at diplomats.


Una nang umani ng mga batikos ang mahabang pila sa Immigration counters kung saan ilan sa mga pasahero ay naiwan pa ng kanilang flight.

Facebook Comments