Konstruksyon ng isolation building sa Maguindanao, sinimulan na ayon sa BARMM Government

Sinimulan na ng Ministry of Public Works ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang konstruksyon ng 100-bed isolation building sa Cotabato Sanitarium Hospital, na matatagpuan sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sinabi ni BARMM Public Works Minister Eduard Guerra ang naturang gusali ay para sa mga pasyenteng magpo-positibo sa COVID-19.

Ayon kay Guerra, ang pagpapatayo ng naturang isolation building ay bahagi pa rin ng pagsisikap ng Bangsamoro Government para labanan ang COVID-19 pandemic.


Una ng nagbigay din ng ₱14.1 million na pondo ang Bangsamoro Government sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City para sa pagpapatayo ng COVID-19 testing center.

Facebook Comments