Konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension, 58% nang kumpleto

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na nasa 58% nang kumpleto ang konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension.

Ito ay matapos na mailagay na ang girder sa kahabaan ng Maynila.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, oras na matapos ang proyekto, mababawasan na ang oras ng biyahe sa pagitan ng Baclaran at Bacoor.


Ang Cavite na mula isang oras at 10 minuto ay aabot na lamang sa 25 minuto.

Itataas naman ang kapasidad ng tren mula 500,000 hanggang 800,000 pasahero araw-araw.

Unang inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Investment Coordination Committee ang proyekto noong Agosto 2000.

Facebook Comments