Bagaman magdudulot ng pagbagal sa daloy ng trapiko excited at masaya pa rin ang ilang Caviteño at taga Metro Manila.
Nagsimula na kasi ang construction ng LRT-1 na magdudugtong sa Bacoor, Cavite hanggang sa Baclaran Metro Manila.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, P800,000 pasahero ang makikinabang sa proyekto.
Kung dati halos tatlong oras ang byahe magiging isang oras na lang ito kung sakaling matapos na ang LRT-1 Cavite extension.
Kinumpirma ng DOTr na nakahanda na ang lahat ng gamit kaya at magiging mabilis ang paggawa sa proyekto.
Posibleng taong 2021 hanggang 2022 ay magamit na ng mga pasahero ang mga tren.
Mula Cavite paikot sa Maynila ang 29 na istasyon ng tren hanggang sa common station sa lungsod ng Quezon.
Facebook Comments