Nagpapatuloy ang konstruksyon ng Manaoag Public Market na isa ring makakatulong sa paglago ng turismo ng bayan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy Doc Ming Rosario, sinabi nitong layuning naserbisyuhan ang mga bumibisita sa pamosong Minor Basilica of Our Lady of Manaoag gayundin ay ang maayos na sistema ng komersyo.
Aniya pa, hindi lamang umano mga produkto sa bayan ang maaaring ma-ibenta rito.
Samantala, bibigyan din umano ng pagkakataon ang mga ambulant vendors na magkaroon ng maayos na pwesto upang hindi sila mabalewala.
Kasabay naman niyan ang konstruksyon ng multi-level parking upang matugunan ang congestion ng mga sasakyang nagtutungo sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









