Natapos na ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 1 ang konstruksyon ng Mangin-Tebag Road dito sa siyudad ng Dagupan.
Tinatayang nasa higit isang kilometro ang haba ng nasabing daanan na mabebenipisyuhan ang maraming motorista upang mabawasan na rin ang trapiko sa pinaka main highway.
Saad ni Esperanza Tinaza Regional Public Information Officer ng DPWH Region 1, hindi na kailangang mainip ng mga pasahero sa traffic, at ang mga turistang magnanais dumaan sa Calasiao, Mangaldan at Dagupan City ay hindi na kailangang dumaan pa sa highway.
Samantala, nasa labing isang milyong piso ang inilaang pondo ng ahensya sa nasabing proyekto. | ifmnews
Facebook Comments