Konstruksyon ng mega quarantine facility sa Laguna, malapit nang matapos – DPWH

Bubuksan na sa kalagitnaan ng buwan ang Nobyembre ang Mega Quarantine Facility sa Calamba City, Laguna.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, minamadali na ang conversion ng CALABARZON Regional Government Center para sa COVID-19 quarantine facility.

Ang CALABARZON Mega Quarantine Facility ay may 600 beds, 50 dito ay para sa healthcare workers at ang 550 ay para sa positive, mild, at asymptomatic COVID-19 patients.


Kapag naging operational na ang isolation facility pangangasiwaan ito ng Calamba City Local Government Unit (LGU), Department of Health (DOH) at Office of Civil Defense.

Ang konstruksyon ng pasilidad ay bahagi lamang sa maraming quarantine facilities na ginagawa ng DPWH sa buong bansa dahil sa kakulangan ng mga hospital beds.

Base sa ulat nasa 695 na ang kabuuan ng COVID-19 facilities ang ginawa ng ahensiya kabilang ang mga off-site dormitories na may total capacity na 24,707 beds .

Sa ngayon may 357 na pasilidad na may 15,608 beds na ang nakumpleto, habang may 22 pa na malapit na rin matapos.

Facebook Comments