Konstruksyon ng Mindanao Railway, hindi pa malinaw kung kailan magsisimula – DOTr

Hindi pa tiyak kung kailan magsisimula ang pagtatayo ng Tagum-Davao-Digos Segment ng Mindanao Railway Project dahil hindi pa naseselyuhan ng pamahalaan ang loan funding nito mula sa China.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Eymard Eje, wala pa siyang malinaw na petsa dahil ang proseso ng loan funding ng China ay “kakaiba”.

Paliwanag pa ni Eje, nais ng China na magkaroon muna ng procurement bago ang lagdaan ang loan agreement.


Pero kumpiyansa naman siya na ang loan agreement sa China ay mapipirmahan ngayong taon.

Sa timeline ng DOTr, ang partial operability ng proyekto ay sa March 2022.

Ang Mindanao Railway Project, ay kabilang sa campaign promise ni Pangulong Rodrigo Duterte at bahagi ng Build Build Build Program.

Ang 100.2 kilometer segment ng proyekto ay nagkakahalaga ng higit 80 bilyong piso at popondohan sa pamamagitan ng official development assistance mula sa China.

Facebook Comments