Kumpiyansa ang Department of Transportation o DOTr na makapaghahatid ng mas pinag-ibayong serbisyo at trabaho ang konstruksyon ng Northern Mindanao Railway.
Ayon sa DOTr, ang halos 55 kilometrong railway ang siyang mag-uugnay sa Metro Cagayan de Oro mula sa Laguindingan patungo sa Villanueva na siyang magiging kauna-unahan sa hilagang Mindanao.
Magugunitang kabilang ang nasabing proyekto sa mga inaprubahan ng Public-Private Partnership Center Project Development and Monitoring Faculty Committee ang pondo matapos ang isinagawang feasibility study para sa Phase 3 ng Mindanao Railway Project.
Una nang natukoy sa National Spatial Strategy ang nasabing proyekto sa 2021 Master Plan para sa Sustainable Urban Infrastructure Development sa Metro Cagayan de Oro.
Dagdag pa ng DOTr, ang Northern Mindanao Railway ay katuparan ng mga prayoridad na proyekto sa inaprubahang Philippine Development Plan 2023-2028 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.