Konstruksyon ng MRT-7, halos 60% nang kumpleto

36
Photo Courtesy: DOTr | Facebook

Halos 59.82 percent nang tapos ang 22 kilometrong Metro Rail Transit 7 (MRT-7) Rail Line project mula sa North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte City sa Bulacan.

Kumpiyansa ang MRT management na matatapos ang proyekto sa itinakdang deadline sa taong 2022.


Kapag natapos ang konstruksyon, mababawasan na ang biyahe mula dalawa hanggang tatlong oras sa 35-minuto na lamang mula Quezon City hanggang Bulacan.

Kaya nitong magsakay ng 300,000 hanggang 850,000 pasahero kada araw at may sapat na espasyo para sa accommodation ng potensyal na pagtaas ng ridership ng rail transit sa hinaharap.

Facebook Comments