
Sisilipin na ng Department of Justice (DOJ) ang konstruksyon ng gusali ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila.
Ito ay matapos ibunyag ni NBI Director Jaime Santiago na iimbestigahan na nila ang kontrata matapos lumabas na contractor dito ang dalawang kompanyang pag-aari ng mga Discaya.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, rerepasuhin niya ang kontrata at kakausapin sina Discaya upang alamin kung sino ang kanilang kausap at kung hiningan ba sila ng pera.
Sa ngayon, dawit ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa mga isyu ng maanomalya at ghost flood control projects ng pamahalaan.
Tiniyak naman ni Remulla na wala silang sasantuhin sa imbestigasyon at mananagot ang lahat ng sangkot dito.
Facebook Comments









