KONSTRUKSYON NG P20M ROAD CONCRETING PROJECT, PUSPUSAN

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan ang konstruksyon ng mabato at malubak na kalsada ng Brgy. Manaoag, Cauayan City, Isabela

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Sonny Nonan, ang nasabing proyekto ay may habang 1.1 kilometro at nagkakahalaga ng dalawampung milyong piso mula sa Department of Agriculture na pinondohan ni 6th District Congressman Faustino “Inno” Dy V.

Aniya, buwan ng Pebrero nang sinimulan ang konstruksyon nito at inaasahang matatapos ito ngayong taon.


Sinabi pa ni Kapitan Nonan na malaking tulong ang nasabing proyekto sa mga residente ng kanilang barangay maging ang mga residente mula sa ibang barangay na dumaraan dito.

Bukod dito, sa pamamagitan ng proyekto ay mapapabilis ang transportasyon lalo na sa pagbyahe ng kanilang mga produkto patungong bayan.

Facebook Comments