KONSTRUKSYON NG PAITAN DAM SA STA. MARIA, PANGASINAN, NAGPAPATULOY; REGULAR NA INSPEKSYON ISINASAGAWA

Patuloy ang konstruksyon ng Paitan Dam sa Brgy. Paitan, Sta. Maria, Pangasinan bilang bahagi ng Lower Agno River Irrigation System, isang proyektong ipinatutupad ng National Irrigation Administration (NIA) katuwang ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng CARP-IC at Agrarian Reform Fund (ARF).

Layunin ng proyekto na mapahusay ang patubig, mapataas ang ani, at madagdagan ang kita ng mga magsasaka sa Pangasinan, Tarlac, at Nueva Ecija.

Inaasahang makapagsu-supply ng patubig ang Paitan Dam sa humigit-kumulang 12,041 ektaryang lupang sakahan, na pakikinabangan ng 11,942 magsasaka mula sa 56 Irrigators Association.

Kasabay ng tuloy-tuloy na konstruksyon, isinasagawa rin ang regular na inspeksyon na pinangungunahan ni Division Manager Engr. John N. Molano ng Pangasinan Irrigation Management Office upang matiyak na nasusunod ang itinakdang pamantayan, disenyo, at proseso. Patuloy ang pagtutok ng pamunuan upang masiguro ang kalidad, kaligtasan, at maayos na pag-usad ng proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments