Inihayag ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatulong ang itinayong Pampanga River cut-off channel sa Candaba upang maibsan ang insidente ng pagbaha ngayong tag-ulan sa nasabing lalawigan.
Aniya, ang konstruksyon ng Candaba cut-off Channel ay mayroong 738-meter left dike, 637-meter right dike, at 130-meters slope protection.
Maliban dito, inayos din ang Candaba Bridge para makatulong sa pagsasaayos ng daloy ng tubig sa nasabing ilog.
Ang nasabing tulay ay may 180-liner meter, apat na lane bridge na itinayo para makatawid ang mga sasakayan.
Iginiit ni Villar ang mga nasabing proyekto ay tugon sa matagal nang problema ng lalawigan kaugnay sa pagbaha sa tuwing may malakas na pag-ulan.
Facebook Comments